Gabi

Balikan natin ang gabi.
Ang gabi ng iyong pagpili,
Ang pagpili sa paglimot,
Sa paglimot sa’ting mga sandali.

Balikan natin ang pagtalikod.
Sa iyong pag iwas sa bawat lingon.

Balikan natin ang pagpumiglas,
Sa iyong pagkalas,
Ikaw, ako.. Yung tayo’y nagwakas,
Yung akala ko’y walang wagas.

Balikan natin ang gabi,
Babalikan ko ang gabi,
Babalikan ko ang gabi,
Nang wala ka saking tabi.

Advertisements

Hanggang Saan

GAMAY MO ang lahat, yan ang iyong gawi
Aastang hari na ako’y pag aari

Nariyan kung kailan lamang ninanais
Isang araw biglaan lamang aalis

Babalik na tila wala man nangyari
Sa huli’y ikaw na naman ang nagwagi

Kailan makikita ang katotohanan?
Habang buhay ang pakikipaglokohan

Para lamang sa mapagpanggap na tuwa
Hanggang dito na lang ba ang makukuha?

Sumugal Sa Pagkatalo

SA MGA salitang binitawan,
May pilit na pinanghahawakan.

Ngunit kasabay ng paglaho ng mga salita,
Ay sya din namang paglipas ng mga alaala.

Sumugal sa walang kasiguraduhan,
Natalo nang di pa man nasisimulan.

Luhang dulot ng labis na pagkalito,
Matatawag bang isang martir ang puso?

Ngayo’y tila naglalakbay sa kawalan,
Naghahangad na makita’y kasagutan.

Sa pagnanais na mahilom ang pusong sugatan,
Heto’t di magawa at patuloy na nasasaktan.